Loading...
Challenges of Working Abroad

Pakikibagay sa Kultura
- Ang mga kaugalian at tradisyon sa bansang pagtatrabahuan ay maaaring bago para sa iyo
- Kahirapan sa pag-unawa sa lenggwahe
- Ang mga lokal na pamantayan at kasanayan ay maaaring naiiba sa iyong mga nakasanayan
- Ang pangunahing relihiyon ay iba sa iyong paniniwala
- Ang paraan ng pananamit at panlipunang asal ay iba kaysa sa iyong nakasanayan

Pakikibagay sa Pisikal na Kalagayan
Mayroong pagkakaiba sa iyong nakasanayan na:
- Klima
- Tirahan
- Oras
- Topograpiya
- Layo ng tinitirhan sa pinagtatrabahuan
- Pagkain
- Pampalipas-oras

Pakikibagay sa Lugar ng Trabaho
Mayroong mga pagkakaiba sa:
- Pakikibagay sa mga kasama sa lugar ng pinagtratrabahuan
- Mga kaugalian sa trabaho
- Pamamahala ng iyong amo o nakatataas
- Kultura at kasanayan
- Mga teknolohiya na ginagamit sa pagtatrabaho

Pangungulila
- Sa pamilya
- Sa Mga kaibigan
- Sa barkada
- Sa bahay na kinalakihan
- Sa mga kapitbahay
- Sa lugar na kinagisnan
- Sa mga dating pampalipas-oras na gawain
- Sa mga relihiyoso at pang-kulturang pagdiriwang

Mga Panahon ng Krisis
- Alitan ng amo o nakatataas at manggagawa
- Pagkakasakit, pagkakaroon ng disabilidad, aksidente
- Banggaan ng kultura
- Natural na kalamidad, digmaan, at epidemiya ng sakit
- Paglaganap ng krimen
- Pagkakasangkot o akusasyon sa krimeng pisikal o verbal (pasalita)
- Sekswal na pang-aabuso
- Paglabag sa kontrata
- Pagsasara ng kumpanya o pag-iisa sa ibang kumpanya na maaaring maka apekto sa estado ng trabaho
- Pagbabawas sa tao ng kumpanya
- Insidente ng paglalayas
- Iligal na pagerekrut
- Human trafficking
- Paglilipat o paglalakbay ng tao ng hindi saklaw sa mga batas ng bansa o irregular migration
- Pagpapatapon pabalik sa sariling bansa o deportation

Krisis sa Pamilya
- Panganib ng pagkasira ng pamilya
- Posibilidad ng sobrang pag-asa ng pamilya sa padalang pera ng OFW
- Posibilidad ng pangangaliwa ng asawa, kinakasama, o kabiyak
- Iba pang potensyal na kahinatnan ng kawalan ng isang magulang sa panahon ng paglaki ng anak